60% monkeypox cases sa UK nagkaroon ng same sex relationship – study

Lumabas sa pag-aaral sa United Kingdom na iba ang nakikitang simtomas ang mga pasyente ng Monkeypox kumpara sa ibang mga outbreaks.

Ayon sa report, sa mga nakalipas na buwan ay naka-confine sa West at Central Africa pero nitong Mayo ay naitala ang 3,400 na kaso ang naitala sa buong mundo.

Karamihan sa nasabing bilang ay naitala sa Western Europe kung saan karamihan umano sa mga ito ay lalaki na akipagtalik sa kapwa lalaki.

Isinalang ng mga researchers ang 54 na monkeypox patients sa London kung saan lumabas na 60% ng UK cases ay nagkaroon ng same sex relationship.

Samantala, bagamat iniimbestigahan ng World Health Organization ang ilang kaso ng semen na lumabas na positibo sa monkeypox, naninindigan ang organisasyon na hindi sexually transmitted ang nasabing sakit kundi naisasalim sa pamamagitan ng close contact.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *