Pamamaril-patay sa isang negosyante sa Sorsogon City, case cleared na — PNP

SORSOGON CITY—Kinumpirma ni PCol. Virgil Bibat, OIC ng Sorsogon City Police Station na case cleared na ang nangyaring pamamaril patay sa isang negosyante sa Seabreeze Homes Subdivision, Barangay Cabid-an, East District, Sorsogon City noong Hunyo 21.


Sa panayam ng Brigada News FM sa opisyal sinabi nitong sinampahan na ng kasong murder ang limang sangkot sa krimen bagamat hindi nito binanggit ang partikular na detalye ng mga akusado.


Anya, kusang nakipagtulungan sa kanila ang ilan sa mga ito at nakumpirma ang partisipasyon ng bawat isa mula sa pagplano hanggang sa mismong pagsagawa sa pamamaslang.

Nakatulong din umano mga CCTV footages sa pagtukoy sa mga salarin.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang paglalabas ng arrest order para sa mga sangkot upang maisagawa ang pag aresto.

Magugunitang pasado alas 5:00 ng hapon noong Hunyo 21 nang pagbabarilin patay ang negosyanteng si Orlando R. Gacias, 58-anyos, retiradong empleyado ng water district at may-ari ng isang negosyo sa lungsod ng Sorsogon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *