93 unibersidad at kolehiyo, nagsasagawa na ng limited face-to-face classes – CHED

Tinatayang nasa 93 unibersidad at kolehiyo na ang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa kanilang medical-related courses.

Partikular na sa Metro Manila, Region 12, Region 4, Region 5, Region 7, Cordillera Administrative Region, Region 9, Region 1, Region 11, Region 2, Region 3, at CARAGA.

Kaugnay nito, nilinaw ni CHED Commissioner Prospero De Vera III na wala pang naiuulat na virus transmission sa mga institusyon na nagsasagawa ng limited face-to-face classes.

Simula noong June 21, 2021, nakatanggap na ang CHED ng 155 applications mula sa mga unibersidad at kolehiyo habang 113 dito ang patuloy na sinusuri.

Sinabi ni De Vera na patuloy din nilang inoobserbahan ang mga unibersidad na nagsasagawa ng in-persons classes upang malaman kung maaari na rin nilang payagan ang iba pang degree o program para sa limited face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *