CAMARINES NORTE- Malapit nang maabot ng Capalonga ang target na population coverage sa COVID- 19 vaccination.
Sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center nasa 23, 318 na ng 23, 987 o 97. 2 percent na target population ang nabakunahan kontra COVID- 19.
Nasa 21,357 o 89 percent ang fully vaccinated at 2, 113 pero 8. 8 percent pa lang ang nakatanggap ng booster shot.
Nasa 86. 5 percent naman ng senior citizen ang nakatanggap na ng bakuna.
Sa target na 2, 581 nasa 2, 233 ang nabakunahan na.
Para naman sa 18- 59 nasa 14, 322 ang nabakunahan sa target na 14, 559 o 98. 1 percent.
Sa pediatric population edad 12- 17 ay lumagpas na sa target ang nabakunahan.
Sa 3, 032 nasa 4, 766 o 157 percent ang nakatanggap na ng bakuna.
Pinakamataas din ang Capalonga sa Camarines Norte sa porsiento ng mga nabakunahang bata na edad 5- 11.
Sa target na 3, 775 nasa 1, 997 dito ang nabakunahan o 52. 9 percent.
Ang labing isa pang bayan ay wala pa sa kalahati ng kanilang target ang nababakunahan sa age group na 5- 11.