Isinailalim sa surprise drug testing kahapon ang nasa 176 government employee ng Angeles City.
Ayon kay City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., layunin nitong matiyak na drug-free ang city hall.
Partikular sa mga sumailalim sa drug test ang 144 traffic enforcer, workers at staff ng City Traffic Development Office, habang ang 32 sa mga ito mula sa Public Transportation and Regulatory Office.
Samantala, ang mga empleyadong magpopositibo ay agad naman umanong isasailalim sa rehabilitation program.