ZAMBALES-Pumalo na ng 3,042 ang total confirmed cases sa covid-19 ng Zambales ngayon.
Ito ay base sa datos na inilabas ng Provincial Health Office kahapon kung saan 82 ang bagong positibong kaso.
Dahil sa nasabing bilang ay umakyat na ng 728 ang active cases ng probinsiya, 60 ang nasawi habang 2,253 ang nakarekober.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, may ilang mga munisipyo sa lalawigan ang nakitaan ng pagtaas ng kaso.
Karamihan naman umano sa positibong kaso ngayon sa probinsiya ay mild lamang ang sintomas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO