PATAY ang isang 58 anyos na lalaki matapos aksidente na mahulog sa tulay habang nakasakay sa kanyang motorsiklo sa Sitio Legna Brgy. San Juan, Dumaran Palawan.
Nangyari ang aksidente ganap na alas-dose ng tanghali kahapon, ika- 18 ng Hulyo.
Ayon sa pulisya, ang drayber ay si Nicolas Omblas Cardaño na residente ng Brgy. Sto. Niño, Araceli Palawan.
Lumabas sa imbestigasyon na matapos mahulog sa tulay ay nabagsakan pa ang biktima ng kanyang motorsiklo, hindi rin nito nahubad ang kanyang helmet kaya siya nalunod at namatay.
Dinala ng Dumaran Police ang labi’ ng biktima sa mga kaanak nito sa bayan ng Araceli.