Mayroon na lamang 227 ang aktibong kaso ngayon ng Zambales sa corona virus disease.
Ito ay matapos na maitala ang mas mataas na bilang ng mga nakarekober nitong Lunes kumpara sa bagong positibong kaso.
Sa datos ng Provincial Health Office, nitong unang araw ng Nobyembre, lima lamang ang nadagdag sa positibo habang tatlumput tatlo naman ang nakarekober kung saan ito ay nasa 95.09% recovery rate.
Samantala, sa kabuuang 9,701 na ang kumpirmadong kaso, 9,225 dito ay recovered na habang 549 naman ang pumanaw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO