Angeline Quinto at non showbiz partner na si Nonrev Daquina, ikinasal sa Quiapo Church

It’s official! Ikinasal na ang singer at aktres na si Angeline Quinto sa kanyang longtime non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

Napili nilang ikasal sa Quiapo Church sa Maynila dahil pareho silang deboto ng Itim na Nazareno.

Bukod sa dream ni Angeline na ikasal sa Quiapo, pangarap din aniya ito ng kanyang namayapang adoptive mother na si Mama Bob.

Kasama naman ni Angeline si Sylvio, anak nila ni Nonrev, na maglakad papunta sa altar.

Star studded ang kasal ng dalawa dahil present dito sina Boy Abunda, Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, at Vice Ganda bilang man of honor ni Angeline.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *