Bagong SRA officials, kumpyansang bababa ang presyo ng asukal

Posibleng bumaba na sa P70 hanggang P80 kada kilo ang presyo ng asukal sa bansa pagsapit ng buwan ng Nobyembre.

Sa isang press briefing, sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) acting chief David John Thaddeus Alba na maaari itong mangyari dahil nagsimula na ang milling season at posibleng pagsapit ng nasabing panahon ay nasa bansa na rin ang mga inangkat na asukal.

Sa kasalukuyan aniya, dalawang refineries na ang nag-ooperate sa bansa at umaasa silang pagsapit ng Nobyembre ay mas marami pang refineries ang muling babalik sa kanilang operasyon upang maging sapat na muli ang suplay ng refined sugar sa industrial use at ‘yung para sa mga consumers.

Sinabi ng SRA na mayroon ngayon ang Pilipinas na 143,000 metric tons na suplay ng asukal kung saan 6,222 metric tons dito ay raw habang 6,899 metric tons ang refined.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *