Bakunahan ng 2nd booster shot sa healthcare workers at seniors, lumarga na ngayong araw

Lumarga na ngayong araw ang pagtuturok ng 4th dose ng bakuna o ang 2nd booster shot para naman sa mga healtchare workers at mga senior citizens.

Ito ay makaraang aprubahan kahapon ng Deparmtent of Health ang vaccination ng 2nd booster sa mga frontliners edad 18 pataas, at sa mga senior o mga Pilipinong edad 60 pataas.

Sa Valenzuela Medical Center, inaasahang aabot sa 200 ang mababakunahan ngayong araw.

Sa Makati City, pinapayagan na ang pagtuturok ng mga 2nd booster shots sa kanilang vaccination sites sa mga Malls at iba pang health centers sa mga barangay.

Inumpisahan na rin sa Lungsod ng Maynila ang bakunahan nito sa 44 na mga health centers sa anim nilang mga distrito.

Maliban sa Makati at sa Maynila, lumarga na rin ang vaccinations nito sa iba pang LGUs sa Metro Manila kabilang na ang Marikina at Mandaluyong.

Inaasahan namang susunod na rin ang iba pang mga rehyon sa Pilipinas.

Paalala naman ng health officials, siguruhing apat na buwan na ang nakalipas mula sa 1st booster shot bago magpabakuna ng 2nd booster.

Kinakailangan lamang dalhin ang vaccination card at valid IDs para maturukan nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *