Batangas, insurgency free: police

Walang banta ng anumang pag-atake mula sa rebeldeng New People’s Army o NPA sa Lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Intelligence Unit ng Batangas Police Provincial Office, walang “existence” o presensya ng armed group sa kanilang area of responsibility at maituturing na insurgency-free ang Batangas.

Gayunpaman ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga karatig bayan at lalawigan para sa ginagawang monitoring sa AOR.

Malaking tulong rin umano sa kanilang monitoring ang tulong at kooperasyon ng bawat Barangay Intelligence Network o BIN ng bawat barangay ng mga bayan at lungsod sa buong lalawigan.

Giit ng Batangas PPO, nananatiling payapa ang kanilang AOR at walang banta ng namomonitor na anumang banta sa seguridad ng mga Batangueño.

Samantala, nilinaw naman ni PMaj Von Eric Gualberto, OIC ng Investigation and Detection Management Unit (PIDMU) na sa pamamagitan ng programang ELCAC ay may mga rebeldeng grupo na kanilang napapasuko.

Ang naturang programa anya ay sa tulong at koordinasyon ng Philippine Army kung saan nakakabenipisyo ng mga programa at serbisyo mula sa gobyerno ang mga sumukong rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *