Billeting Schools ng mga atleta sa gaganaping modified Palarong Bicol 2023 sa Naga City handang-handa na

NAGA CITY –Halos wala ng problema sa mga billeting schools na siyang magiging pansamantalang tirahan ng mga atletang dadayo sa Naga City sa gaganaping Modified Palarong Bicol 2023.

Mula sa classrooms, sa tubig, lalong lalo na saseguridad ay halos plansado na dahil sa iisang galawang ipinatupad ng mga barangay opisyal na siyang naging abala sa paghahanda.

Kabilang na rito ay ang buong Barangay Council ng Carolina na pinamumunuan ni Punong Barangay Eufrisina Manguiat.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Manguiat sinabi nito na may tatlo silang billeting schools ito ay ang Carolina National High School na may 220 atleta mula sa Camarines Norte at Ligao City, 75 atleta ; Carolina Elementary School may 195 na atleta galing sa Catanduanes at sa Teodora Moscoso Elementary School na may 102 atleta mula naman sa Iriga City.

Ayon kay Manguiat, handang-handa na sila sa pagdatingan ng mga atletang ito, sa mga kinakailangan sa classrooms, tulad ng tubig ,sa elektrisidad at maging sa pagbantay sa kalusugan ng mga ito .

Silang mga barangay opisyal ay may kanya-kanya ng working schedule, may mga pulis sa gabi na at kasama ang mga barangay tanod.

Sa pangkalahatan ay may 592 silang atletang babantayan bukod pa sa mga coaches at school head na kasama ng mga ito.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *