China, binuntutan ang ginagawang joint maritime patrol ng Pilipinas at Australia

Binuntutan na sa dagat binuntutan pa sa himpapawid ang mga sasakyan ng Pilipinas habang nagsasagawa ng joint patrol West Philippine Sea.

Na una ng napabalita na 15 minuto inikutan ng Chinese fighter jets ang isang Philippine patrol plane habang nagsasagawa ng maritime air patrol sa WPS.

Bago nito binuntutan din ng isang Chinese Naval vessel ang joint maritime patrol na isinagwa sa pagitan ng Australia at Pilipinas sa karagatan ng bansa.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner hindi na ito nakakapagtaka dahil hindi ito ang unang beses na ginawa ng China.

Dati ng sinabi ng China na ang lahat ng kanilang ginagawa sa South China Sea ay alinsunod sa International Law sa pinag-aagawang teritoryo kasama na rito ang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa ginanap na Asia Pacific Parliamentary Forum sinabi ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa na ayaw ng gamitin ng China ang United Nation Convention on  Law of the Sea.

Mungkahi ng China na bumalik na lang sa lumang mekanismo sa dispute resolution gaya ng amicable settlement at bilateral talks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *