COMELEC Legazpi, tatanggap ng voter registrants kahit hindi residente ng lungsod

LEGAZPI CITY – Kahit hindi mga residente ng Legazpi City, maaaring tanggapin at i-accommodate ng Commission on Elections (COMELEC) Legazpi para sa voter registration.

Ito ang kinumpirma ni COMELEC Legazpi Election Officer Atty. Connie Del Castillo sa Brigada News FM Legazpi.

Sinabi niya, ito ay sa ilalim ng Register Anywhere program ng COMELEC na kanilang ipapatupad sa lungsod.

Aniya, maliban sa pag-aapply ng registration, tatanggap din sila ng mga magpapa-transfer, at magpapa-correct at update ng registration record kahit hindi residente ng lungsod.

Ang mga aplikasyon umanong ito ay kanilang ipapadala sa COMELEC offices kung saan dapat sila magparehistro upang ma-approve o disapprove ang application.

Ayon sa kanya, ito ang nakapaloob sa kanilang one-stop shop sa mga mall pagsapit ng voter registration sa Pebrero 12.

Samantala, tatanggap lamang sila ng aplikasyon para sa nasabing programa tuwing unang Sabado ng buwan, maliban sa Kick-Off sa Lunes kung saan kanila itong iimplement.

kung matatandaan, una na ring inanunsyo ni Del Castillo na sa Legazpi City, nilipat nila sa malls ang venue nito upang marami ang ma-accommodate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *