COMELEC, muling pinapa-diswalipika si Cagayan Governor Mamba

Muling ipinag-utos ng Commission on Elections (COMELEC) ang diskwalipikasyon kay Cagayan Governor Manuel Mamba para sa May 2022 elections na kanyang napanalunan.

Ayon sa Comelec First Division, nagmula ang diskwalipikasyon sa petisyon na inihain ni Victorio Casauay laban kina Mamba, Mabel Mamba, at Francisco Mamba, na mga kandidato para gobernador, bise-gobernador, at representative ng 3rd district ng lalawigan ng Cagayan.

Saad ni Casauay, nilabag ng mga ito ang Comelec Resolution No. 10747 noong kandidato pa lamang sila dahil sa pagbibigay ng tulong pinansyal, scholarship grant, at iba’t ibang sasakyan sa kanilang mga nasasakupan gamit ang pampublikong pondo sa loob ng 45-araw na spending ban.

Ibinasura na ng First Division ang petisyon laban kina Mabel Mamba at Francisco Mamba dahil nabigo naman silang manalo sa halalan.

Ngunit tuloy pa rin ang disqualification case laban kay Mamba dahil sa paglabag nito sa Sections 2 at 13 ng Resolution No. 10747, na nagbabawal sa pagpapalabas, disbursement, o paggasta ng mga pampublikong pondo mula Marso 25 hanggang Mayo 2, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *