Coronation night sa bagong magiging Miss Bicolandia 2023 gaganapin na mamaya sa JMR coliseum; ilan sa mga magiging host at bisita mga kilalang showbiz personalities

NAGA CITY – Gaganapin na mamaya ang coronation night ng Miss Bicolandia 2023 sa ganap na alas 7 sa JMR Coliseum na kung saan 17 mga nagagandahang mga kababaihan ang kalahok.

Magiging host sina Thia Thomalla, Ms. Eco International 2018 at MJ Ordinallo at ang mga performer naman ay sina Jeric Gonzales at Michael Sager.

Bukas sa publiko ang kompetisyon subalit mamimigay pa rin ng libreng tickets mula sa City Events and Protocol and Public Information Office at sa mga Barangay Opisyal.

Nakausap naman ng Brigada News FM Naga si City Councilor at Dr. Jose Rañola, Committee Chairman ng Miss Bicolandia at nabanggit niya na handang-handa na ang lahat, mula sa mga kandidata, sa venue, sa mga host at maging sa mga board of judges.

Tumangi muna si Rañola na banggitin kung sinu –sino ang mga hurado na karamihan ay mga beauty queen mula sa national competition.

Ayon pa opisyal, mas mataas ang premyo ngayon sa mga mananalo na kung saan ang tatanghaling Miss Bicolandia 2023 ay tatanggap ng 300 thousand pesos in cash bukod pa sa mga minor at special awards.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *