Decampment protocols para sa mga umuwing evacuees ng Mayon, inilabas na ng Albay PDRRMC

LEGAZPI CITY – Naglabas na ang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng kanilang decampment protocols para sa mga umuwing evacuees ng Mayon.

Nakapalaman dito ang ilang mga rekomendasyon kabilang ang paglilikas sa mga residente mula 6km radius permanent danger zone (PDZ) sa north at southwest sector.

Batay sa PDRRMC-APSEMO Advisory 17-2023, ang mga local chief executives ng mga concerned cities at municipalities ay kailangan nang magpatupad ng decampment sa mga pamilyang mula sa six-kilometer PDZ.

Patuloy naman ang mahigpit na monitoring ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pangunguna ng APSEMO sa aktibidad ng bulkang Mayon partikular sa posibleng mga pagbabago sa parameters nito at sa posibleng rekomendasyon ng PHIVOLCS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *