DILG, kinakausap na ang kanilang legal team para sa mga susunod na aksyon laban kay Cebu Governor Gwen Garcia

Inumpisahan na ng Department of Interior and Local Government ang ilang mga legal na hakbang para mapanagot si Cebu Governor Gwen Garcia hinggil sa EO na inisyu nito sa pag-alis ng mandatory na pagsusuot ng face masks sa mga outdoor areas.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kumokonsulta na sila ngayon sa kanilang legal team para malaman ang mga susunod na gagawin laban sa Gobernadora.

Paliwanag ng Kalihim, kailangan na raw matigil ang ganitong uri ng practice sapagkat hindi raw ito naaayon.

Muli ring iginiit ni Año na mananatili ang posisyon ng National Government na ipanatili ang mask mandate.

Kahit na last resort na ang pang-aaresto sa mga violators, sinabi ni Año na mapipilitan talaga silang manghuli sa mga matitigas na ulo.

Sa hiwalay na panayam, umapela na si Senador Sonny Angara na resolbahin na word war sa pagitan nina Año at Garcia.

Aniya, naiintindihan niya ang punto ng magkabilang panig ngunit mas makabubuti pa rin aniya kung magkaroon na ng pinal na desisyon.

Hindi na raw kasi dapat pang mauwi sa Korte ang usaping ito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *