DOH, nagtala ng 14,546 na mga bagong kaso ng COVID-19

Nagtala ang Pilipinas ng 14,546 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang total caseload sa 3,560,202.

Sa datos ng Department of Health (DOH), lumalabas na ang top regions na may mataas na kaso sa nakaarang dalawang linggo ay ang Davao Region sa 1,381 o14%, Metro Manila sa 1,053 o 10% at Central Visayas sa 973 o 10%.

Ang bagong infections ay nagdulot para maitala ang kabuoang active cases na 190,818, kung saan 8,239 ang asymptomatic, 177,584 ang mild, 3,126 ang moderate, 1,540 ang severe at 329 ang nasa kritikal.

Samantala, nagtala naman ang bansa ng 26,500 na karagdagang recoveries at 112 na bagong fatalities, dahilan para tumaas ang total recoveries at total deaths count sa 3,315,381 at 54,003. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *