DOJ: Online sexual abuse sa mga kabataan – mas naging ‘accessible’

Labis daw na naaalarma si Pangulong Bongbong Marcos sa paglobo ng mga kaso ng online child sexual abuse and exploitation (OSAEC).

Sa pulong balitaan sa Malacañang – inilahad ang mga naging order ng Pangulo para labanan ito.

Sabi ni Justice spokesperson Asec. Mico Clavano – naglatag na ng order si Marcos sa DOJ at sa PNP na paigtingin pa ang crackdown laban sa OSAEC at sa child sexual abuse or exploitation materials (CSAEM).

Ang DILG naman ay inatasan na bumalangkas ng mga ordinansa para magabayan ang mga LGUs para rito.

Sabi ni Atty. Margarita Magsaysay, Executive Director, DOJ Center for Anti-Online Child Sexual Abuse, mas nagiging accessible na raw ang ganitong mga gawain lalo na sa mga nakatatandang kalalakihan mula sa mga English-speaking countries.

Mayroon na raw kasing mga kumakagat sa halagang P200-P300 kapalit lang ng mga malalaswang larawan ng mga kabataan.

86% sa mga biktima ay mga batang babae; habang 14% naman ay mga batang lalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *