DTI Ikot Palengke Program sunod-sunod na isinagawa

Sunod-sunod ang isinasagawang Ikot Palengke Program ng Department of Trade and Industry Zambales.

Kasama ng Kagawaran ang mga Local Price ng iba’t ibang bayan at lungsod para inspeksyunin ang mga timbangan at stalls.

Nitong nakalipas na linggo ay pinuntahan ng team ang mga palengke sa bayan ng San Felipe, Castillejos at lungsod ng Olongapo.

Kinumpiska ang ilang mga depektibong timbangan at hindi rehistrado na nainspeksyon ng team.

Paalala ng mga otoridad, sumunod sa mga patakaran para iwas sa abala at multa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: DTI-Zambales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *