Fil-Am Remy Martin bumida sa panalo ng Kansas vs North Carolina sa US NCAA championship

Binura ng Kansas Jayhawks ang 16-points lead ng North Carolina para angkinin ang 2022 NCAA championship.

Nagningning sa tinaguriang ‘biggest comeback’ sa national championship history ang college standout Fil-Am na si Remy Martin.

Nagtala si Martin ng 14 points kabilang ang mga crucial shots para makahabol sa laro.

Humakot naman ng tig-15 points sina Jalen Wilson at David MacCormack para sa Kansas.

Kinapos ang magandang laro ng tatlong key players ng UNC na pare-parehong nagtala ng double-double performance.

Tig-15 puntos ang inambag ni RJ Davis at Armando Bacot habang 13 points at 13 rebounds naman si Brady Manek.

Samantala dahil sa panalo magtatapos si Martin na may isang NCAA title habang mainit na pinag-uusapan ang posibleng pagsali nito sa Gilas line-up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *