Filipina quezonian artist, bibigyan ng International Prestigous Award dahil sa mga obra nito

Walang mapagsidlan ang tuwa ng isang Filipina Quezonian Artist na Si Alysa Reynales ng mapabilang ito sa mga gagawaran ng isang prestihiyong parangal sa ibang bansa kasama ang iba’t-ibang International Artist mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Si Reynales ay tubong Lopez, Quezon na gumagawa ng Abstract at Figurative Artworks na bibigyang parangal sa 6th International Prize for Leonardo Da Vinci (Special Gold Edition).

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM Lucena kay Ms. Reynales sinabi nito na isang karangalan ang mapabilang sa naturang paranagal at hindi ito makapaniwala na isa sya maswerteng Filipina na irerepresenta ang Pilipinas sa International Stage.

Dagdag pa nito, masarap sa pakiramdam na maibahagi ang kultura na meron ang Quezon at Pilipinas sa ibang bansa sa pamamagitan ng kaniyang mga obra.

Samantala, nakatakdang tanggapin ni Reynales ang parangal sa April 13, 2024 sa Milan, Italy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *