Camarines Sur Former Governor at Congressman LRV pumanaw na sa edad na 86

NAGA CITY- Pumanaw na sa edad na 86 si dating Governor at  Congressman Luis R. Villafuerte Sr. o Louie Villafuerte na kilala rin bilang si LRV.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang anak na si Congressman at dating Gobernador Luis Raymund Villafuerte o Cong. LRay sa kaniyang facebook post. Sinabi nitong sa St. Luke’s Medical Center – BGC,Taguig binawian ng buhay ang ama 12:35 ng umaga nitong Miyerkules Sept. 8, 2021. Hindi nito isinapubliko ang dahilan ng pagpanaw.

Sa 40 taon bilang Public Servant tumatak na sa isip ng mga taga Camarines Sur at Naga City si LRV.  20 naman sa pribadong sektor. Para sa marami isa rin siyang “Agila” ng lalawigan.   Nagsilbing Gobernador sa loob ng aabot sa  16 na taon mula 1986,  siya na ang may pinakamahabang taon sa nasabing posisyon, naging Congressman mula 2004 hanggang noong 2013.

Nakilala rin siya sa  galing sa pakikipagdebate hanggang sa Kongreso. Kaya naipasa bilang batas ang 67 bills nito.

Muling kumandidato sa pagkacongressman noong 2019 ngunit hindi na pinalad sa kabila nang pagiging matalas pa ng isip sa kaniyang edad. Hindi rin maikakaila na mayroon namang mga ayaw sa porma ng kaniyang pamamahala.

Samantala , kinilala rin si LRV bilang outstanding banker , economist , businessman at  Finance expert .

Naging bahagi ng Batasan Pambansa/ Assemblyman noong 1978-1986 at Minister of Trade noong 1979-1981.  Nakatanggap ng tatlong Presidential Awards; President Carlos p. Garcia gold medallion, Ramon Magsaysay gold medal award at  Manuel Roxas gold medal.

Bago nakilala sa larangan ng pulitika unang umupo sa pagkagobernador ang ama nitong si Mariano E. Villafuerte Sr, matapos naman ang termino ni LRV sumunod sa yapak ang anak na si LRay at ngayon ang apo naman nitong si Migz.

Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya mula sa mga kaibigan, kakilala at mga naging kasamahan sa politika. Inalala rin ng mga ito ang naiambag ni LRV sa paghubog rin ng kanilang kakayahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *