Free College Education ng gobyerno, kailangan muna ipasa ang isang exam para makapasok

Hinimok ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pamahalaan na ilaan ang free tertiary education program para lamang sa mga estudyanteng deserving dito, upang matugunan ang tumataas na bilang ng college dropout.

Giit ni Diokno, ang pag-o-offer ng free tuition sa lahat ng mga estudyante ay maaksaya at hindi epektibo dahil hindi naman lahat ng mga estudyante ay committed sa pag-aaral.

Batay sa datos ng Commission on Higher Education (CHED) na ang dropout at attrition rate ng mga college students sa Pilipinas ay nasa 34% noong taong 2016 hanggang 2022.

Mababatid na naglaan ang national government ng P18.8B ngayong taon para pondohan ang pag-aaral sa kolehiyo ng mga kabataan pumapasok sa 116 na mga ng walang kahit na anong requirements na kailangang tugunan.

Nanindigan ang kalihim, na dapat makapasa muna sa isang nationwide exam ang mga estudyante para ma-qualify sa subsidiya para sa kanilang four-year college education.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *