Herlene Budol, sasabak na sa pagkanta

Naghahanda si Herlene Budol para sa isang bagong libangan na naiiba sa kanyang pagmomodelo, pageantry, at karera sa pag-arte.

Dahil sinurprise niya ang kanyang taga-hanga matapos niyang i-share na kumukuha na siya ng voice lesson, sa tulong ng kanyang dating manager na si Wilbert Tolentino.

Ibinahagi rin nito na maglalabas siya ng kanyang ka-una-unahang single sa susunod na taon, sa pamagat na “Kain Tayo!”

Maalalang nadawit ang kanyang pangalan sa isyu kasama si Rob Gomez kung saan naging biro sa social media ang mga katagang Kain Tayo, na nagmula sa mga screenshot ng kanilang conversation ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *