Highest daily vaccination rate ng Quirino Province, naitala

Naitala ng lalawigan ng Quirino ang pinakamataas na bilang ng vaccinees sa isang araw na umabot sa mahigit isang libo simula noong mag-umpisa ang vaccination roll out sa probinsya.

Umabot sa 1, 192 na mga indibidwal ang nabakunahan ng Pfizer noong June 21 kung saan naitala ang highest daily vaccination rate.

Ayon kay Governor Dakila Dax Cua, nasa kabuoang 17,000 doses ng Pfizer vaccines ang ilalaan sa probinsya para sa kanilang priority list sa A1-A3.

Magugunita na ang lalawigan ng Quirino ang tanging probinsya sa Region 2 ang nabigyan ng alokasyon ng Pfizer vaccine matapos maabot ang required cold storage facilities ng bakuna.

Batay sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office, nagawa nang mabakunahan ang nasa 3,436 o 93.3% ng 3,682 sa A1 priorities; 2,904 o 17% ng 16, 832 A2 Priority at 5,167 o 46% ng A3 Priority.

Muli namang hinimok ng Gobernador ang kaniyang nasasakupan na kabilang sa priority group na nag-aalinlangan pa ring magpabakuna na samantalahin ang ibinibigay na pagkakataon para sa kanilang proteksyon kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *