Higit 30 bags ng dugo, nalikom sa isinagawang bloodletting activity ng Brigada News FM-Sorsogon

Umabot sa 37 bags ng dugo ang nalikom ng Brigada News FM-Sorsogon sa isinagawang bloodletting activity noong Sabado, Abril 13 sa covered court ng Sorsogon State University (SSU) Main Campus sa Brgy Almendras-Cogon, Sorsogon City.

Mismong ang mga health personnel ng Phil Red Cross-Sorsogon Chapter na pinangunahan ng kanilang pinuno na si Ginoong Jonathan Regondola ang nangolekta ng bags ng dugo na umabot sa 16, 650cc mula sa successful donors.

Ang ‘Dugo para sa KaBrigada’ nationwide bloodletting activity na may temang ‘’Dugtong-buhay, Dugo i-alay’’ ay taunang aktibidad ng Brigada Foundation.

Ang naturang aktibidad ay taunan din na nilalahukan ng mga uniformed personnel mula sa 903rd Infantry Brigade, 31st Infantry Battalion, 22nd Infantry Battalion, 1st Provl Mobile Force Company, 2nd Provl Mobile Force Company, mga Brigador at masugid na tagapakinig at mga tagasuporta ng Brigada News FM-Sorsogon.

Hinimok naman ng pamunuan ng PRC-Sorsogon Chapter ang mga masugid na tagapakinig ng Brigada News na ugaliin ang pagdo-donate ng dugo dahil malaking tulong ito sa mga higit na nangangailangan at nagbibigay ng magandang dulot sa kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *