Ilang probinsiya sa Visayas kabilang isinailalim na sa State of Calamity

Isinailalim na sa State of Calamity ang ilang probinsiya sa Visayas dulot ‘yan ng matinding ulan at baha na naranasan sa Visayas.

Ayon sa mga residente hindi nila inaasahan ang biglang pagbaha sa kanilang lugar.

Sa datos ng PAGASA halos 457.8 MM na ulan ang naitatala sa bayan ng Catarman, Northern Samar tuwing buwan ng Nobyembre ngunit kahapon umabot sa 618 MM na ulan ang bumuhos sa bayan sa loob lang ng 24 oras.

Ang binuhos na ulan kahapon ay lagpas sa pang 1 buwang ulan sa probinsiya.

Sinabi ng pag-asa na shearline ang dahilan ng walang tigil na buhos ng ulan na naging sanhi ng matinding pagbaha.

Ang shearline ay ang pagtatagpo ng mainit at malamig na hanggin mula sa dagat pasipiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *