Implementasyon ng National learning camp program ng DepDed posibleng hamon pa sa ngayon- DepEd Iriga

NAGA CITY – Aarangkada na ngayong araw ang National Learning Camp Program ng Department of Education bilang nationwide learning recovery program dahil sa mga naging mabababang resulta sa mga international test ng bansa dulot na rin ng pandemya.

Kung saan prayoridad ang mga estudyanteng mabababa ang performance sa klase na nasa Grade 7-8 na kinala’unay magiging bukas sa lahat ng mag-aaral.

May tatlong camp ang programa, intervention camp para mga mag-aaral na below 75 ang grado, consolidation camp sa mga average ang grado at enhancement camp para sa mga 85 pataas ang grado, na magiging boluntaryo lamang para sa mga estudyante maging sa mga guro na magtuturo at tanging English, Math at Science ang subject na ituturo nila.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Manny De Guzman, School Division Superintendent ng DepEd Iriga, posibleng magiging challlege pa ang pagtugon sa programa lalo na’t ang mga estudyanteng may mga pinakamababang performance ay mahilig magliban sa klase at mahirap hanapin, iba-iba rin ang mga rason ng mga bata maging ng mga magulang lalo na’t bakasyon.

Ayon pa opisyal, walang dagdag na sahod para mga Gurong magtuturo ngunit makakatanggap ng incentives. Tatlong oras bawat subject ang igugugol nila at kompleto na rin sa mga learning materials para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *