Inspection sa mga tindahan kaugnay ng EO 39 sa Naga tuloy-tuloy kahit fiesta season

NAGA CITY –Walang ligtas ang sinumang rice retailers sa Naga City na lalabag sa Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil tuloy ang gagawing paglilibot ng mga personahe ng Department of Agriculture,Department of Trade and Industry at ng Price Monitoring  Council ng lungsod,kahit ngayong Penafrancia fiesta.

Ito ang muling paniniyak ni City Councilor Jess Albeus, ang head ng Consumer Protection Committee sa konseho at sa Price Monitoring Council na ang pinakalayunin ay masiguro ang pagsunod ng mga negosyante sa rice price ceiling.

Sa kanyang pahayag, sinabi niyang hindi maiiwasan na may magsamantala o may lalabag sa EO 39 lalo na ngayong mas kailangan ng bigas dahil sa piesta.

Inamin ng konsehal na bagamat sumusunod naman ang mga ito, naroon pa rin ang  pagreklamo ng mga negosyante na kanyang natatanggap dahil sa pagkalugi.

Anya’y wala pa silang magiging aksyon ,dahil naghihintay rin sila sa magiging ayuda ng national government lalo na ng Department of Social Welfare and Development.

Matatandaan na nagsagawa na sina Albeus ng pag inspection noong nakaraang linggo sa unang araw ng pagpatupad ng naturang executive order ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *