Itinatayong Balay Silangan sa Olongapo inaasahang matatapos na sa Feb. 2023

Inaasahang matatapos na sa February 2023 ang itinatayong Balay Silangan sa Camp Cabal, Olongapo City.

Sa ngayon base sa City Engineering’s Office ay nasa 85% na ang natatapos sa dalawang palapag na gusali.

Ayon kay City Engr. Bobby Alvarez, ang proyekto ay pinondohan ng lokal na pamahalaan ng 6.9 million at sa Pebrero ay target na maturn-over na ito sa City Police Office.

Ang pagkakaroon ng Balay Silangan ay isa lamang sa mga requirements para madeklarang drug cleared ang isang lugar maliban pa sa mga isinasagawang assessments at documentary requirements na kinakailangang ma-comply ng LGU.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *