Laguna, Iloilo, CDO magluluwag sa MECQ simula sa Aug. 16-31

Luluwagan na ang hard lockdown na ipinapatupad sa Laguna, Iloilo City, at Cagayan de Oro City papunta sa modified enhanced community quarantine simula sa Aug. 16 hanggang 31.

Ang tatlong areas ay isinailalim sa strictest lockdown mula Aug. 6 hanggang 15 dahil sa surge ng COVID-19 infections.

Kaugnay nito, isasailalim rin ng Inter-Agency Task Force sa MECQ sa kaparehong petsa ang Apayao; Ilocos Norte; Bulacan; Cavite, Lucena City, at Rizal sa Region 4-A para Luzon; at Aklan, at Iloilo Province sa Region 6, at Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Cebu City sa Region 7 para sa Visayas.

Samantala, GCQ with heightened restrictions mula August 16 hanggang August 31 ang Ilocos Sur; Cagayan; Quezon at Batangas sa Region 4-A at Naga City para sa Luzon; Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6; at Negros Oriental at Cebu para sa Visayas; Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro sa Region 11 at Butuan City para sa Mindanao.

Ang Tarlac naman, mauunang magshift mula sa MGCQ sa GCQ mula Aug. 13 hanggang 31, kasama ang iba pang lugar na magsisimula sa August 15. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *