Lalaki arestado, matapos na kikilan ang kanyang kaibigan sa Makati

Niloko na ng kaibigan, posible pang hindi pakasalan ng kasintahan.

Ito ang sinapit ng isang lalaki matapos umano siyang kikilan kapalit ng hindi pagpapakalat sa pribadong video nila ng kanyang fiancé.

Ayon sa biktima na si Alyas Jake, hiniram ng suspek ang cellphone niya ngunit wala umano siyang idea na pumunta na pala ito sa gallery at doon kinuha ang mga pribadong video at photos nila ng kanyang kasintahan.

Sinabi ng biktima na pagkatapos noon ay nakatanggap na siya ng blackmail mula sa hindi kilalang account sa social media.

Noong una ay hindi niya alam na ang suspek ay ang mismong kaibigan niya dahil dummy account ang ginagamit nito.

Kuwento pa ng biktima na kahit pinadalahan na niya pera ang suspek ay patuloy pa rin ito sa pang ba-blackmail.

Dahil dito ay hindi na itutuloy ng fiancé ni Jake ang kasal nilang dalawa.

Payo naman ng mga otoridad, na iwasang kunan ang mga private o intimate moments para maiwasan ang mga ganitong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *