Lalaki sa Germany, 90 beses na nagpabakuna kontra COVID-19 upang makapagbenta ng pekeng vaccinations cards

Isang 60 anyos na lalaki sa Germany ang nagpabakuna kontra COVID-19 ng maraming beses upang makapagbenta ng mga vaccination card na may totoong vaccine batch numbers sa mga taong ayaw magpabakuna.

Ang lalaki ay tumanggap ng 90 shots ng bakuna sa mga vaccination center sa Saxony, at nadakip sa Eilenberg nang lumahok ito sa 2nd day ng pagbabakuna.

Nakumpiska sa kanya ng pulisya ang iba’t ibang blangkong vaccination cards na ibinibenta.

Sa ngayon ay hindi pa naka-detain ang lalaki, at nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa ‘unauthorized’ na pag-issue ng vaccination cards at document forgery.

Kasalukuyan din itong inoobserbahan hinggil sa posibleng epekto ng maraming shots ng bakuna sakanyang katawan.### ALLYZA BALLON, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *