Magkapatid na most wanted, arestado sa Sta. Rosa City, Laguna

Arestado ang magkapatid na parehong Most Wanted Person City Level sa isang manhunt operation sa Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang mga akusado na sila alyas Mark at alyas Jhally,pawang mga residente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ng Sta. Rosa City Police Station, nag-sagawa ang kanilang Warrant Personnel ng manhunt Charlie Operation laban sa nasabing magkapatid ganap na alas-3:00 ng hapon nong July 4, 2023 sa Brgy. Tagapo na nagresulta sa pagkaaresto sa mga ito.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 25 Biñan City, Laguna kung saan nahaharap ang mga akusado sa kasong Frustrated Murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *