Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan iiral sa ibang bahaging ng Luzon

Iiral sa ibang bahagi ng Luzon ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa ibang bahagi ng Luzon dahil sa southwest monsoon.

Ayon sa Pagasa, ang Ilocos Region, Apayao, Abra, Benguet, Batanes, Babuyan Islands, Bataan, Zambales, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Northern Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands, ang magiging apektado sa naturang weather condition.

Pinayuhan naman ng weather bureau ang mga apektadong residente na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides.

Samantala, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa habagat o localized thunderstorms. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *