Medical teams, naka-standby sa Kawit, Manito, Albay matapos bumagsak ang hanging bridge noong nakaraang linggo

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manito, Albay na mayroong mga naka-standby na rescue at medical teams sa Brgy. Cawit upang alalayan ang mga residenteng tatawid sa ilog matapos na masira at bumagsak ang hanging bridge sa lugar noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Senior Fire Officer 4 Cicero Ortinero, sinabi niya na layunin nitong matulungan at makapagbigay ng agarang aksyon sa oras na magkaroon ng mga hindi inaasahang insidente habang tumatawid ang mga residente gamit ang mga maliliit na bangka.

Aniya, may mga provided din umanong bangka mula sa ilang sponsors, at inaalalayan nila ang mga residente na sumakay lalo na ang mga bata, matanda at mga buntis.

Maliban dito, may ibinibigay din umano silang libreng tubig kapag mayroong mahilo dahil sa init ng panahon, at tinitignan din ang blood pressure nila, kung saan nagbibigay din sila ng mga gamot kung may makitang mataas na BP.

Matatandaan, Abril 17 nang bumagsak ang nasabing tulay na nagdulot ng injuries at trauma sa labimpitong mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *