Mga deboto ni Inang peñafrancia, makakahawak na muli sa imahe nito

NAGA CITY- Matapos ang tatlong taon muli nang makakahawak sa image ni Ina sa old Shrine o sa Peñafrancia Shrine ang mga deboto na kahit mula pa sa iba-ibang panig ng bansa.

Ito ay ayon kay Fr. Felipe Culvera III, Parish Priest ng Peñafrancia Shrine , mula nang alisin ang  State of Public Health Emergency dahil sa COVID-19 pinayagan na rin ang paghawak sa imahen.  Ngayong taon , malaya nang makakapunta ang mga deboto, wala nang protocols. Inaanyayahan nito ang mga mananampalataya na makiisa sa pista ng El Divino Rostro sa Sept. 8 o ang Traslacion Procession, paglilipat din ng imahe ni Ina sa Metropolitan Cathedral.

Ngayong araw ika-4 na novena na para kay El Divino Rostro,  umaasa ang simbahan na darami pa ang mga tumutungo habang papalapit ang Traslacion.

Una nang sinabi ng City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO)  na tinatayang nasa isang milyon ang dadalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *