Mga estudyante nagiging tamad na dahil sa ChatGPT

CAMARINES NORTE – Nababahala ang isang guro sa epekto sa ugali at gawi sa pag- aaral ng mga kabataan dahil sa ChatGPT.

Ayon sa Media and Information Literacy Teacher na si Edwin Datan Jr. ng Mabini Colleges, dahil ChatGPT ay nagiging tamad na ang mga estudyante.

Aniya, isang hamon ngayon sa kanilang mga guro kung paano malilimitahan ang paggamit nito ng mga estudyante.

Nais daw sana nila sa academe na itulak ang mga estudyante na magpursige at mag isip ng sariling ideya sa kanilang mga aralin sa halip na nakaasa na lang sa artificial intelligence.

Kaya naman nag- iisip umano sila ng mga stratehiya kung paano palalabasin ang skills at talino ng mga kabataan na walang gamit na AI.

Sa huli, nagpaalala si Datan sa mga kabataan na bagamat nakakatulong ang AI ay dapat pa ring magpursige sa pag- aaral dahil hindi naman ang artipisyal na kaalaman ang magiging kasangkapan sa pag- abot ng pangarap.

Maganda umano ang AI kung nagagamit sa tama ngunit nagdudulot ito ng negatibong epekto kung ano tao ang nagpapagamit dito.

PHOTO COURTESY: npr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *