Mga hindi magsusuot ng facemask sa bayan ng Aborlan, posibleng makulong ng hanggang isang buwan-LGU

Nagbabala na ang punong ehekutibo sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Aborlan Palawan na simula ngayong Martes, ika-17 ng Agosto ay mas mahigpit na ipatutupad sa buong bayan ang mandatory wearing of facemask.

Ayon kay Aborlan Mayor Celsa Adier, sa regular flag raising ceremony kahapon ay inihayag niya sa mga empleyado na may multa nang ipapataw sa mga patuloy pa ring magpapasaway at hindi susunod sa simpleng health protocol.

Sinabi nito na maging siya ay sasama para ticketan ang mga lalabag sa health protocol na nakapaloob din sa Municipal Ordinance No. 52, series of 2020.

Nitong nakalipas na Biyernes ay nagkasundo ang Municipal IATF na patawan na ng multa ng ang mga hindi nagsusuot ng facemask.

Ang kapulisan ay maninita at sinumang mahuhuli na lumalabag sa Mandatory wearing of Face Mask ay magmumulta.

*Sa unang paglabag ay magmumulta ng 200.00 pesos

* 2nd offense- 500.00 pesos

* 3rd offense o higit pa ay magbabayad ng 2,500 o 10 to 30 days imprisonment at the discretion of the proper court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *