Mga mananampalatayang katoliko pinaalalahanan ng simbahan ng mag-ayuno at abstinensiya sa Pebrero 14

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng simbahan ang mga mananampalatayang katoliko na mag-ayuno at abstinensiya sa Pebrero 14 o sa Ash Wednesday o Miyerkules ng Abo na natapat pa man din sa araw ng mga puso.

Ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng kuwaresma ng mga katoliko  o ang 40 araw na paghahanda sa pagdiriwang ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni na mag-uli ni Jesus.

Sa panahong ito ay hinihimok ng simbahan ang mga mananampalataya na higit na paigtingin ang pananalangin at palalimin pa ang relasyon sa Diyos.

Ayon kay Father Eduardo Regore Jr., Vice Rector ng Holy Trinity Cathedral, nagpa- krus man sa noo o hindi ay kinakailangang mag- ayuno at abstinensya ang isang katoliko ngayong Ash Wednesday at sa Biyernes Santo.

May maling paniniwala daw kasi na sinasabi na exempted sa pag- aayuno at abstinensya kapag hindi nagpa krus sa noo ngayong Ash Wednesday.

Ang Fasting ay isang paraan ng pagsasakripisyo kung saan nililimitahan ang dami ng pagkain.

Paalala ni Fr. Regore na isang “full meal” lang ang dapat na kainin sa mga binanggit na araw.

Ang mga katoliko na 18 hanggang 59 anyos ay dapat na mag fasting.

Ang abstinence naman ay ang hindi pagkain ng karne at ang mga edad 14 anyos pataas ay dapat itong isabuhay.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng anim na taon na natapat ang Ash Wednesday sa Valentine’s Day. Huli itong nangyari noong 2018.

Bago ito natapat din ang natapat din ang Ash Wednesday sa Valentine’s Day noong 1945.

Samantala, pinangunahan naman ni Father Rogelio Yarte Jr. ang rito ng pagsusunog ng natuyong palaspas sa Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary sa Jose Panganiban.

Ang mga sinunog na palaspas ang gagawin gagawing abo na ipapahid sa noon g mga mananampalataya.

Ang abo ay paalala na ang buhay sa mundo ay may katapusan, maikli at lumilipas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *