Mga munisipyo na hindi nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine, hindi maaring magpatupad ng “No antigen- No entry policy”

“Pero kung hindi naman ECQ ang isang bayan ay no reason to implement that policy” ani PIO  Winston Arzaga sa panayam ng Brigada News FM.

Ayon kay PIO Arzaga, sa isinagawang pagpupulong ngayong Lunes ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management at Provincial Inter Agency Task Force, ay mayroong inaprobahan Resolusyon at ito ay ipapadala sa Regional Inter Agency Task Force.

“Kung ang isang munisipyo they feel na marami na ang COVID-19 sa kanila they have to ask for reclassification of their status o i-upgrade sa ECQ” dagdag ni Arzaga

Samantala, kinakailangan na munang aprubahan ng Regional IATF ang kahilingan ng Municipal Inter Agency Task Force na i-upgrade sa ECQ Status ang isang bayan bago lamang ipapatupad ang naturang polisiya.

Matatandaan, naging mainit ang usapin ng pagpapatupad ng polisiya sa lalawigan ng Palawan bunsod ng panawagan ng mga Palaweño na alisin na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *