Mga paaralang nag-shift sa alternative delivery modes, halos 6,000 na

Umabot na sa halos 6,000 mga paaralan sa buong bansa ang nagsuspindi ng face-to-face classes at nag-shift na muna sa alternative delivery modes sa gitna ng matinding init.

Batay sa datos ng Department of Education, mula sa kabuoang bilang na 5,844 na mga schools nationwide, pinakamaraming mga paraalan ang nagkansela ng in-face classes sa Central Luzon na may 1,124.

Sinusundan ito ng Central Visayas na may 792 schools, Soccsksargen na may 678 schools, Bicol Region na may 634 schools, at Zamboanga Peninsula na may 610 schools.

Ayon sa DepEd, may otoridad ang mga regional directors at superintendents na i-move sa mas maagang oras o sa hapon ang schedule ng mga klase dahil sa mapanganib na init na maaaring maranasan.

Mababatid na una nang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi na kailangan pa ng mga paaralan na magpatupad ng make-up classes matapos ang suspendihin ang face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *