Mga Pilipinong manananakbo, wagi sa Ultra Milano-Sanremo sa Italya

Wagi ang mga Pilipinong mananakbo sa Italya sa kakatapos lang na 12th Ultra Milano-Sanremo.

Kabilang rito sina Rolando Espina, na nasungkit ang second male at third overall sa loob ng 36 oras at 40 minuto. Habang third male at fourth overall naman si Bren Kevin Cabasa matapos ang 39 oras at 8 minuto.

Bukod pa sa dalawa, nasungkit rin nina Lachlan McDonald at Zsuzsanna Maraz ang unang pwesto sa male at female categories.

Isang ultramarathon running race ang Ultra Milano-Sanremo na may distanyang 282 km mula Milan hanggang Sanremo.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *