North Korea, patuloy na pinapalakas ang kanilang militar

Inihayag ng kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un na si Kim Yo Jong na patuloy silang bubuo ng napakalaki at pinakamalakas na militar upang protektahan ang soberanya at kapayapaan sa rehiyon.

Ito’y matapos magsagawa ng military exercises ang Amerika ngayong taon kasama ang South Korea, na inilarawan ni Kim na “puppet military gangsters.”

Humigit-kumulang 100 military aircraft ang nagsagawa ng dalawang linggong aerial drills ngayong buwan, ayon sa militar ng South Korea.

Dagdag pa ni Kim, ang pagsasanay na ito ay nagsisilbing paghahanda para sa isang nuclear war.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *