NTF-WPS, kinondena ang muling pangha-harass ng China

Kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang patuloy na ilegal, agresibo at destabilizing na galaw ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, hindi mananaig ang delikado at ‘unprofessional’ na gawi ng mga barko ng Beijing.

Samantala, iginiit ng China na hindi humingi ng permiso ang Pilipinas na pumunta sa Ren’ai reef o Ayungin Shoal.

Ito’y dahil muling tinutulan ang pagdala ng construction materials sa BRP Sierra Madre na para sa kanila ay ilegal na nakasadsad doon.

Una nang sinabi ng Pilipinas na hindi nila kailangan ng permiso mula sa China dahil sakop ito ng EEZ ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *