Occular inspection, ikakasa ng Senado sa resort sa Chocolate Hills

Ihahain na raw bukas ni Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, Chairperson, Senadora Cynthia Villar kanyang resolusyon sa Senado.

Ito ay upang matiyak na makukuha ng floor ang kanyang resolusyon tungkol sa imbestigasyon sa mga istrukturang itinatayo sa paligid ng Chocolate hills at maitakda ang posibleng pagdinig dito sa darating na Holy week break.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang video ng isang resort na mismong itinayo sa ilalim ng Chocolate hills.

Ayon kay Villar, kung sakaling matuloy ang pinaplanong pagdinig ay iimbitahan nila ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at maging ang lokal na pamahalaan nito.

Nilinaw naman din niya na layunin ng kanilang gagawing pagdinig na alamin ang puno’t dulo nito upang matukoy ang susunod na aksyong gagawin dito.

Samantala, ibinahagi naman ng senadora na may plano silang magsagawa ng occular inspection dito ngunit sa ngayon ay inaalam pa nila ang iskedyul na maluwag upang gawin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *