OPAPRU, pinuri ang AFP sa neutralization ng top BIFF leader at 11 iba pa

Pinuri ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang neutralization ng top leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na si Mohiden Alimodin Animbang at 11 iba pa sa engkwentro sa Maguindanao del Sur noong Lunes.

Sa isang pahayag, sinabi ni OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr., na ang matagumpay na operasyon ng militar ay testamento ng kanilang professionalism, tapang at higit sa lahat ay ang kanilang commitment sa pagbibigay ng proteksyon sa mamamayan para sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Binigyan-diin din ni Galvez ang mahalagang papel na ginampanan ng MILF leadership at kanilang commanders sa matagumpay na operasyon laban kay Animbang at kanyang mga kasamahan.

Ang kanilang kooperasyon umano ay patunay ng kanilang hangaring tulungan ang pamahalaan sa pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.

Hinikayat naman ng OPAPRU ang mga nalalabing miyembro ng BIFF na iwanan na ang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *